KAHIRAPAN SA GITNA NG PANDEMYA
KAHIRAPAN SA GITNA NG PANDEMYA Hirap at bigat ang dinulot mo dahil, sa hindi inaasahang araw pumutok ang balitang kailangan nating isuot iyan, walang ka ide-ideya subalit sumunod na lamang ang karamihan. Na sa isang iglap, marami ang nawalan ng buhay at hindi alam kung ano ba ang lunas na kinakailangan. Natigil halos lahat na akala ng marami’y bukas ay babalik sa mundo na kinagisnan nating galawan. Ngunit, sa bawat galaw na ating gagawin nalimitahan ng isang kalaban na hindi man lamang natin masilayan, Biglang kailangang huminto ng lahat at sa isang iglap lamang nawala sa atin lahat lahat. Lahat! maski ang trabaho na ating pinagkaingat-ingatan, Nawalan ng pagkakakitaan na nagdulot sa pagkagutom ng maraming buhay. Hindi na alam saan kukuha ng pera ipangtataguyod nila sa pang araw-araw, na sinamahan pa ng pangamba dahil sa simpleng sintomas at hirap na paghinga kasabay ng pagkalam ng mga sikmura, Nawalan na ng pag-asa’t hindi na alam saan kukuha ng lakas ng loob na pati sa Am...