KAHIRAPAN SA GITNA NG PANDEMYA
KAHIRAPAN SA GITNA NG PANDEMYA
Hirap at bigat ang dinulot mo dahil, sa hindi inaasahang araw pumutok ang balitang kailangan nating isuot iyan, walang ka ide-ideya subalit sumunod na lamang ang karamihan. Na sa isang iglap, marami ang nawalan ng buhay at hindi alam kung ano ba ang lunas na kinakailangan. Natigil halos lahat na akala ng marami’y bukas ay babalik sa mundo na kinagisnan nating galawan. Ngunit, sa bawat galaw na ating gagawin nalimitahan ng isang kalaban na hindi man lamang natin masilayan, Biglang kailangang huminto ng lahat at sa isang iglap lamang nawala sa atin lahat lahat.
Lahat! maski ang trabaho na ating pinagkaingat-ingatan, Nawalan ng pagkakakitaan na nagdulot sa pagkagutom ng maraming buhay. Hindi na alam saan kukuha ng pera ipangtataguyod nila sa pang araw-araw, na sinamahan pa ng pangamba dahil sa simpleng sintomas at hirap na paghinga kasabay ng pagkalam ng mga sikmura, Nawalan na ng pag-asa’t hindi na alam saan kukuha ng lakas ng loob na pati sa Ama ang tiwala’y kinukwestyon na ng iba.
Kumitil ng maraming buhay, na ni mga eksperto hindi na alam kung paano makontrol ang pandemyang sumakop sa buong mundo. Nag-iisip kung matatapos na ba ang kabanata natin sa mundong ito? O makakabangon muli ang lahat ng tao? Sa muling pagdilat ko, nabigla ako sapagkat nasa dulo na tayo ng taong ito, ngunit hindi pa rin nagbabago patuloy parin tayong lumalaban sa pagtuklas ng wakas sa pandemyang ito.
Hirap na hirap lahat dahil binago mo pati ang sistemang aming nakagisnan, hindi lamang sa trabaho ngunit pati sa eskwelahan. Nahihirapan huminga ang lahat hindi dahil sa virus na kinakalaban ng bawat tao, ngunit sa unti-unting pagsakal ng kalungkutan at kahirapan na bumabalot sa mga isip ng tao, na nagtatanong kung kakayanin pa ba natin ang isang malagim na pangyayari na bumago sa buong mundo? Sana ang sagot mo’y oo dahil alam kong isang pagsubok lamang ito sa mundo at kung susunod at mananalig lang tayo, Malalagpasan natin lahat ng ito.
Comments
Post a Comment